Monday, March 16, 2009

sunog-baga session

Kahapon ay kaarawan ng inaanak kong si Leevian, anak ng mga kabarkada kong sina JohnKeith at Emmy. Sa bahay nila kami nag dinner. Attendance: Gerald, Jojo, Chocho with Maybel and Mat2x, Danding, Kaykay, and latecomers: Lester and Karen. Konti lang ang dumating kumpara sa mga dating events ng barkada. Pero di iyon hadlang sa kasiyahan. Woohoo!!!
After sa lamon part proceed ang tropa sa bakanteng lote. Duyan + moolight + gitara + beat box + recall sa past + lokohan at alaskahan + tanduay & ice tea. Sumakit panga ko sa katatawa, na over-exercise na naman ang cheeks ko! hahaha. Na-miss ko to! Kahit nakulangan ako sa inom kasi may bantay (mga dalawang shots lang yata ako), nagka hang-over ako sa saya. Share ko lang ang ilan sa mga nakakatawang sharing:
Pinapakilala si "Aljohns", ang may asawa na pero feeling single. Di nagpapahuli sa get-up, disco & dance moves.
Briefing moments sa kanyang asawa Part I:
Aljohns: Ma, a-attend ako ng bday ng kabarkada ko ngayon. May inuman dun kaya sunduin mo'ko ng 9PM para di ako malasing at makatakas ako.
Kinaumagahan na nakauwi si Aljohns...
Aljohns: Ma! Bakit di mo'ko sinundo? Inumaga tuloy ako! Nalasing tuloy ako! (galit at nagdadabog)
Asawa: Sorry, nakatulog ako
HAhahaha. Lusot! Effective ang drama mo 'loy!
Part II
Aljohns: Ma, pag umuuwi ako ng 2am ng umaga wag mo akong pagalitan kasi nakainom ako sigurado. Lasing ako at baka masuntok kita ng di ko alam. Kung kinabukasan man ako umuwi, umasa ka na sa bahay ng kabarkada ko ako nakitulog.
Asawa: ok
Introducing "Gerald"
Bagong bili pa lang ang XRM na motorsiklo nila. Hiniram ni Gerald sa tatay nya at gumala. Natural binalandra sa buong poblacion ang makintab at bagong motor. Habang bumibili ng yosi, pinark na naka-primera ang motor. Biglang kinabig ng kabarkadang babae. Lumipad ang bagong motor! SAbay lumipad ang takot ni Gerald sa tatay nya. Ang bagong motor ay nagasgasan at natupi ang ilang parte. Naisipan nyang lumayas. Kinabukasan, inimbita ng tatay nya ang isang kapitbahay para ipagmayabang ang bagong motor. Nagulat sya nang nakita nya ang sira at napasigaw ng "GERAAAAAALD!!!". At ang sumunod na mga pangyayari at mga madramang eksena sa buhay ni Gerald.
Dramatic part: Habang pinagmamasdan ko ang bawat isa sa kabarkada ko, napapaisip ako sa lahat ng napagdaanan namin at sa kung gaano ko kamahal ang mga mokong. Ang dami nga naman naming napagdaanan. Nagkaroon na kami ng basketball team, nangampanya na kami for election, may mga kasong hinarap at tinakbuhan, may nauna sa biyaheng-langit, may mga agaw-buhay na eksena, may kasalan, may nagkaanak, umakyat ng ilang bundok, etc.
"bonding habang buhay!"

0 comments:

 
;