Thursday, April 2, 2009

nagtatasa ng pudpod na lapis

ikaw ba ay pikon?
halika at mas lalo kitang pipikunin
ikaw ba ay tamad?
halika at papagurin kita sa utos
ikaw ba ay matatakutin?
halika at sisindakin kita
ikaw ba ay laging galit?
halika at titikisin ko ang iyong pasensya
ikaw ba ay kasing-linis ng puting damit na nilabhan sa speed-babad soap ni piolo?
halika at bahiran natin ng dumi ang mapagkunwari mong katauhan


napagtanto ko sa araw na ito ang mga bagay bagay
kailan ba nagiging masama ang mabuti?
kailan ba nagiging mabuti ang masama?
kailan ba nagiging makatotohanan ang isang biro?
kailan ba nagiging biro ang pawang katotohanan?
ano nga ba ang sukatan?
may sagot kaya si bob ong?
eh si juan ekis kaya?
di bale, wala rin naman akong sagot
kung ikaw meron...
huwag ka ng mag-abala pa na sabihin
busy ako, malamang maabutan mo lang akong tulog

2 comments:

maria said...

tulog ka pa ba? hehe :) di bale wala rin naman akong sagot hahaha.

salamat sa pagdalaw. happy weekend.

Take a coffee break...

kay said...

hehe. salamat sa sulyap at sa pag-iwan ng bakas :)

back to sleep...zzzz

 
;