Monday, September 15, 2008

gulpi de gulat

[Round 1]
binabasa ang galaw ng kalaban
nag-aabang
dumedepensa

[Round 2]
inansayo ang footwork
tumapon ng ilang suntok
tinantya ang pagitan at bilis

[Round 3]
nabugbog
nangmanhid sa bawat suntok
tatanggap ng ilang suntok pa


at sa mga sumunod na rounds ay kakapusin na sa hininga
mag iisip at maghihintay ng pagkakataong bumawi
ibubulong sa sarili, "isang matinding uppercut lang!"
at sa isang ganting suntok na iyon, makakamit ang tuwa
na kahit papaano, tinamaan nya ang bumugbog sa puso nya
ang kasunod ng isang suntok na yun ay hindi na mahalaga
palarin man sya o hindi sa labanan sa loob ng kwadradong paraiso,
ay di bale na dahil patuloy pa rin naman syang mabubuhay
sa isang bigwas, kahit papaano naiganti nya ang kanyang sarili
di man nya naisigaw na "tama na" habang inuulan sya ng suntok
...tinapos nya ang laban

0 comments:

 
;