Friday, September 19, 2008

connect the dots

sa markado mong balat
naiguguhit ng iba sa isipan ang kwento mo
nagagawa nilang husgahan ka


ang naka burdang pangalan
sya nga ba ang tunay mong minahal?
karapatdapat ba sya sa bawat dampi ng karayom?


ang palatandaan ng kapatiran
nangangahulugan bang magulo ang buhay mo?
ito ba ay dahilan para iwasan ka?


naiguhit ba nila ang iyong kalungkutan?
nasuklian ba ang iyong pagmamahal na di na mabubura?
ang nakikita lamang ay ang mga bakas sa likod ng hibla


mapaglaro ang tinta
kinuluyan ka ngunit di ka maipagtatanggol
hindi patas! at sadyang ganyan talaga...

0 comments:

 
;