Monday, July 20, 2009

born-to-be-malandi

Sa isang pelikula di talaga mawawala ang kontrabida. At maging ang kwento ng buhay ko ay di pinalampas ng "clan of kontrabidas" na'to.

Ilang taon na ring kumukulo ang dugo ko sa isang nilalang. Di ko ba alam kung bakit pa nag-krus ang landas namin? Wala naman syang silbi sa buhay ko. Excuse me sa harsh words...galit ako eh.
blogger-emoticon.blogspot.com

Looks can really be deceiving. Umaalingasaw talaga ang kalandian nya sa katawan...no doubt about it! At talagang mapaglaro ang tadhana dahil halos araw2x ko syang nakakasabayan sa byahe. Aba Aba! Lord, talagang ang kamalasan ay dumadating kahit di ko pinagdasal noh?

Sabihin nating habulin sya ng boys. Well, its none of my business actually. Pero bakit nakikisawsaw pa sya?! Kahit naturingang may nobyo sya, lumalandi pa din sa bf ko. Talaga naman! Eto ang mga sample text messages ng lukaret:

Exhibit #1
"Mahal mo ba talaga gf mo?"

Exhibit #2
"Tayo sana ang mag-ON ngayon"


Ako ang tipong di lumalaban at di umiimik hanggang maaari. Matagal ko nang pinababayaan ang bruha. Di rin naman issue ang "trust" and "loyalty" between bf and me eh. Sigurado akong di yun papatol sa iba. Pero talagang rinding-rindi na ako sa kanya. Matagal ko na syang tinadnad sa isipan ko! Malapit ko ng ilabas ang aking manika at talagang kukulamin ko sya ng bonngang-bongga. Hehehe. Mukha nya! Mukha nyang sarap gawing sagwan!
:39:


At dahil laging napuputol ang internet connection namin, heto tuloy...todo letanya ako. Di ako makapag concentrate sa trabaho. Anyway, medyo malayo pa naman ang mararating ng pasensya ko kaya sige lang. Magsaya muna sya sa bilang na malalanding araw nya.




P.S.: Bro, naglalabas lang po ng galit. Breath in...breath out...blogger-emoticon.blogspot.com



1 comments:

Blog said...

first, may silbi sya sa buhay mo. kung wala sya eh walang contrabida, kung walang kontrabida hindi ka magiging bida :)

2nd, may silbi pa rin sya...kasi natetest ang pagiging pasensyosa mo...

3rd, may silbi pa rin...lumalabas ang tunay mong pagiging GEMINI... alam mo syang harapin kahit alam mong may galit ka sa kanya.

4tg, may silbi pa rin sya... dahil alam mong may hitsura ang BF mo dahil merong isang taong gustong mang-agaw

5th,...ooopsss tama na baka mabatukan mo pa ako kung dadami ang isusulat ko dito

dito lang,
eric
http://www.blogdemanila.com/

 
;