Monday, May 18, 2009

sabi nya, sabi ko

Bakit di mapigilan ng kababaihan ang maging "assuming"? Ang bilis nating gumawa ng conclusions o di kaya ng mga susunod na kabanata sa isang simpleng pangyayari. Idinidikit natin agad sa salitang "destiny"...na kung tutuusin isa lamang itong "pure coincidence". Pwede ibuntong ang sisi sa mga kalalakihan? Ang hilig din naman kasi nilang magpadala ng signals and clues na malayo sa totoo nilang intentions. hmp!


Eto pa, kapag nilalabas natin ang ating saloobin sa kaibigan nating babae madalas ang sinasabi ay "meron akong kakilala na ganyan din ang nangyari". This way napupuno tuloy tayo ng "hope". Nakakalimutan natin panandalian na tayo ang may hawak ng hibla tungo sa "road to happiness" natin at hindi ang pinagdaanan ng ibang tao.

Ngayon ano ba ang punto ng pinagsasabi ko? Wala naman...gusto kong magbalik tanaw sa mga nakaraang pangyayari ng buhay ko.

Case 1
Habang nag-aabang ako ng tricycle, nakasabayan ko ang crush ko sa waiting area. Syempre alegaga ako bigla sa kilos at facial gestures. Hinayaan ko munang dumaan ang isang bakanteng tricycle para mauna syang sumakay. Pero nagulat ako nang pinalampas nya lang. aba! aba! ano ito?! Naglalaro sa isip ko ang mga ideya na hinihintay nya ako at sinadyang magkasabay kami. Pero gusto kong maniguro, hinayaan ko ulit dumaan ang pangalawang bakanteng tricycle. Talagang di sya sumakay kaya sa ikatlong tricycle sumakay na ako...bigla nyang hinabol at sumakay din! Katabi ko pa sya mismo! Sa tingin nyo...pagkakataon o kagagawan ng mapaglarong tadhana?
blogger-emoticon.blogspot.com


Case 2
Nagtext ang crush ko (same person sa case 1). Nagtatanong kung meron ba akong ginagawa on a weekend. Kaya nagmamadali akong magbihis at tapusin lahat ng gawaing bahay. Inisip ko na magyaya syang lumabas. Eh hanggang sa natapos ang Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos wala pa ring sumundo sa'kin. Nasayang ang damit kong amoy-downy. Kasi di naman nya sinabing aalis kami...nag assume lang ako.
*untog ang ulo sa pader* blogger-emoticon.blogspot.com



3 comments:

sheeneevee said...

assuming. hehehe. i have an award for you madam :D

edison said...

pdaan po s cute n blog mo.

Unknown said...

@ ck_leick
thanks *blushing*...daan ka palagi :)

 
;