Minsan napapaisip ako kung may target sign ba na nakadikit sa'kin at lage akong tinatamaan ng kapalpakan at kahihiyan. Ayan tuloy pinanindigan ko na at ginawang hobby. Ano sila ngayon!? Nag-e-enjoy ako sa katatawa...hehehe..bleh!
Kasama ko tatay ko nang nakasalubong namin ang isang kakilala nya.
Manong: "eto ba yung panganay mo sir?"
Erpats: "hindi, pangalawa"
Manong: "yung bagong kasal?"
Erpats: "hindi, ang panganay ko yun. eto yung naglilive-in"
aba! at kelan pa ako nakipag live-in? argh!
Sa jeepney, suot ko ang shades ng kaklase ko. At parang nasa bully mode ako kaya naisipan kong pagdilatan ng mata ang nasa harap ko na pasahero. Tuwang-tuwa ako habang kinikindatan ko sya at pinagdidilatan. Pagbaba ko ng jeepney dumaan ako sa comfort room, napatingin ako sa salamin! Waaaaaaaaaaa!!!!! Hindi tinted ang shades! nakikita ang mata ko!
During college days, our group's thesis was chosen to represent our CS Department. In the conference room, nakikinig ako ng mp3 sa cellphone gamit ang earphones. Habang nagsasalita ang ibang grupo sa harap, bigay ako ng bigay ng comments...patawa na naman. Kaso di ko napansin na malakas pala ang boses ko dahil sa earphones. Kaya dinig ng buong sangkatauhan na nasa loob ng conference room ang mga hirit ko. Tinginan na silang lahat sa'kin.
aba! malay ko!
mag-iisip pa ako ng ibang kapalpakan blues...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment