Recently, I received an invitation that I know that I must refuse. As much as I would want to say YES, I know that I should not. Jumping into opportunities right away may sometimes lead us to trouble. We need to be cautious of the signs, of the real message and the impact that it will bring to yourself and to the people around you.
At inakala nyo na naman na isa itong seryosong blog entry. BLEH! Enk! Hindi yata. Tungkol ito sa pag imbita sa akin na magbigay ng speech sa Recognition day ng High School Alma Mater ko. Hahaha! Loko ah! At ako talaga? Wala naman akong "PHD", "MD", "HON" o ano pang kadikit na letra sa pangalan ko ah. Malamang "MRS." lang ang madadagdag sa takdang panahon (hahaha). Kaya ang unang reaksyon ko ay - kalokohan ba to?! Alam kong hindi ako karapatdapat at alam ko sa sarili ko na may ibang tao na mas bagay na tumayo sa entablado at magbigay ng mensahe sa mga estudyante - at hindi ako yun.
Kasi naman ang isa sa mga guro sa naturang paaralan na yun ay kabarkada ko. Kaya hindi na rin ako nagtaka. Alam kong pakana nya. Gusto nya kasing ibahagi ko sa lahat kung gaano kami kasaya nung high school. Eh hindi naman iyon simpleng kwentuhan lang. Tsaka alam ko na mahihirapan syang maghanap ng papayag sa imbitasyon nya. Natural! Yung mga doctor, abogado, guro, at pulitiko ay busy sa career nila... magdadalawang isip ang mga iyon na dumalo sa isang simpleng okasyon. At alam ng kabarkada ko na "bakante" ako para sa mga ganun kung baga "easy-to-get" lang ako pag dating sa mga raket, community service at volunteer work.
Nung ipinaalam ko sa tatay ko ang imbitasyon hindi nga ako nagkamali, tama nga ang inaasahan ko na sasabihin nya - "Sus! Ikaw lang ang niloloko ng mga iyan! Palibhasa ang dali mong papayagin! Bakit ikaw? Doktor ka ba? Pulitiko ka ba?! Bakit di nila kunin si Engr. Ewan o si Dra. Di-ko-sasabin o si Atty. Kapitbahay-Natin?". Hahaha! Etong tatay ko talaga...kahit kelan kulang ng bilib sa anak nya ^_^. At di lang yun ha, nakakuha pa ng kakampi ang tatay ko sa katauhan ni D - "Huwag kang pumayag Kay. Ikaw lang ang naisip nila na madaling imbitahin". Clap-clap! Pero may punto sila...alam ko yun.
Kamakailang beses akong tumanggi. At kamakailang beses din akong pinilit. Nagbabago na ang isip ko. Sa bawat tanggi ko...nakakapag-construct ako ng isang talata ng speech sa utak ko! Hahaha. Oo, may draft na ako ng speech. Naisip ko, ang saya sanang experience yun at ang saya din magkwento. Pero di bale na lang.
DRAFT SPEECH
- Introduction joke about Tomas Hayahay - local radio personality
- Quote my 4th year High School adviser, the late Maam Precy Bacay - "Character over-weighs Intelligence"
- Quote Bo Sanchez - "All of us are blessed with core gifts. Do not stray away from your core gifts because it is where you will be blessed. Be the best waiter! Be the best teacher! Be the best sales agent! Be the best doctor! Be the best person you can be."
- Konting personal sharing - "Hindi ko alam kung bakit ako ang naimbitan, malamang dahil wala akong Talent Fee (hahaha). ComSci graduate ako, walang PHD, MD, or kung ano mang career license. Pero malapit ko ng matapos ang ala-masteral ko sa paghihintay na maging MRS"
- Quote a few lines from my graduation speech
- Final words of challenge, quote from the movie "Young Adult" - LIFE HERE I COME!
0 comments:
Post a Comment