Thursday, June 18, 2009

Top Inuman Moments

Blanko ang utak ko para mag-isip kung anong magandang i-blog. Wala akong mahabang kwento na ibabahagi at ayokong magdrama. Kaya pasyal2x na lang muna sa blog ng iba. Aba! Why not make a TOP LIST! Hmmmm...anong list naman kaya? Brain cells gumana ka!!!
blogger-emoticon.blogspot.com


There's Always a First Time
Eto ang fun part ng bawat new experience - NEW UNFORGETTABLE BLOOPER MOMENTS!!! First time kong nalasing nung 2nd year college, nag cut classes kami ng barkada ko. Mataas pa ang araw ng nagsimula ang inuman. Tatlong tanggero lang ang nasa mesa - Ako, Kiam2x, Dhon2x. Sa naaalala ko naka-isang bucket kami ng beer...sa naaalala ko lang (hahaha). Walang lunch at walang dinner yun. At nang napagdesisyunan naming tapusin na, pagtayo ko pa lang umikot na ang mundo ko. Aba! Suka dito, suka doon! Pinahigop pa nila ako ng sabaw pero halos itumba ko ang mesa dahil gusto ko ng matulog. Sa taxi nakasablay ako sa bintana habang sumusuka. At dahil takot ako sa mga magulang ko, bigla akong nahimasmasan pagtuntong ko sa pinto ng aming bahay. Diretso ako sa kwarto para matulog. Kinabukasan, wala ng laman ang pitaka ko! Ako pala nagbayad ng lahat2x...pinahawak ko sa iba ang wallet ko! Nagmamadali pa akong pumasok dahil may quiz! Ang saya!


Horse with no Name
Malamang di ko na mabilang at maalala lahat ng embarrassing moments na dala ng paborito kong inumin. Umakyat na ako sa stage ng isang live-band event, sabay hila sa'kin ng CVO Police pababa ng stage. Nambato na ako ng yelo (ice) sa random people na kakainisan ko bigla (anger management mode). Pumasok na ako sa isang no-trespassing area, hinabol ng aso at lumusot sa barb wire na harang! At syempre di mawawala ang dance numbers ko!
blogger-emoticon.blogspot.com


Winona Ryder (winner in gay lingo)
Taong 2006 - October 31 yata. First work salary ko!!! Bumili ako ng live-band tickets para ilibre ang mga kabarkada ko. During set-break ng banda nagkaroon ng beer drinking contest. Of course join ako! Pag akyat ko sa stage, nakita ko sa audience ang elementary teacher ko at biglang nakaramdam ako ng hiya. Kaya nung introducing part na, iba ang binigay ko na pangalan - "KAREN" (hahaha...epal!). Katunggali ko ang mga batikang tanggera kaya pagsabi ng emcee ng "GO!"...hingang malalim at lagok na! At sa di inaasahang pangyayari...AKO ANG NAGWAGI! Di ko man maipagmamalaki ang pagkapanalo ko...sobrang masaya ako! Aba, pinaghirapan ko yun!
blogger-emoticon.blogspot.com

Bora-bora
Taong 2004 (yata) nang mapadpad ako sa bonggang isla ng Boracay! Isang all-expense paid trip with allowance...heaven! Kaso nakakapanghinayang na di ang mga close friends ang kasama ok...mas enjoy sana. Anyway, maraming paraan para magsaya. Kaya I started to meet new friends agad! At dahil nasa BORA, expected na ang night parties. And night party means inuman! With my new found friend and roommate "TOPE" we conquered the dance floor and bars! The memorable part was when he went up on stage and sung "Bakit Ngayon Ka Lang" tapos dedicating the song to me! Laglag panga ako...at biglang nainlab ako! Mehn! Bakit ba lumambot bigla ang puso ko! Back to inuman...ang bilis pala malasing ni "TOPE" kaya bitbit ko sya pabalik sa room namin kasama ang isa pang pogi! Whew! Dahan-dahan lang sa pagbuhos ng grasya Lord, nakakalunod!!! hehehe. Di ko naman pinagsamantalahan ang mga pogi...lasheng na eh kaya tulog na lang! zzzz...basta nagtapos ang kwento na broken-hearted ang bida dahil kailangang paglayuin ng tadhana si Adan at Eba.
blogger-emoticon.blogspot.com



Mukhang nakakalasing din pala ang magkwento...hanggang dito na lang. BURP!


1 comments:

sheeneevee said...

hahahaah.winona ryder jud ka madam! wagi!

 
;