Tuesday, April 14, 2009

lifelines

*clears throat*

decisions...meron bang how-to guide para dito? o di kaya step-by-step procedure? eh pros and cons?

uncertainties...nakakatakot. kaya madalas mahirap gumawa ng desisyon. di pwedeng pabigla-bigla, di pwedeng di pag-isipan, at di pwedeng idaan sa maboteng usapan.

options...yan ang dapat i-consider kung gagawa ng desisyon. paano kung may scarcity sa options? paano kung nalulunod ka na sa uncertainties ng mga options mo? paano kung di mo maiguhit ang solusyon?


sa bawat desisyon, hindi natin palaging bitbit ang ngayon. hindi magiging panangga sa lahat ng oras ang natutunang aral ng kahapon. ang eksena ay ikaw...nag-iisang nakatayo sa dulo. ano na? hahakbang ba? babalik? o mananatili muna?

isipin mo na lang...isa itong pagkakataon para sa panibagong aral, panibagong karanasan, panibagong kwento na mabubuo, patunay ng pananampalataya, patunay ng pagkakaibigan, patunay ng pangako, at pagsubok na pinagdadaanan din naman ng iba.

0 comments:

 
;