Friday, October 10, 2008

beep beep beep

Ang pagsakay ng jeepney ay parte na ng makulay at mahaba kong paglalakbay patungo sa mundo ng mga drones (officemates ko. hehe). Mula pa nung college days, katuwang ko na ang jeepney mula Lunes hanggang Biyernes. Kaya naman klaro sa akin kung bakit jeepney and National Transport System ng Pinas.

Hilig namin mag abang dati ng "uso2x" na jeepney. Yung may nakakabinging volume level sound system, walang eksaktong route, nakikipaghabulan sa traffic officers at higit sa lahat mabilis magpatakbo. Pinagbawalan ako ng tatay ko sumakay ng "uso2x" kaso palihim pa rin akong sumasakay. Masaya kasi, halos kakilala mo na lahat ng pasahero. Di bale na kung gitgitan kayo, minsan nga napapakandong na lang. At kahit si manong drayber at manong konduktor ay nagiging kaibigan mo na o text mate pa! hahaha

At sa loob ng halos anim na taon, nagkaroon ako ng past time habang nasa kahong-de-gulong. Napapaisip ako sa bawat kwento ng pasahero o minsan ginagawan namin ng script ni Padz. At heto ang nagawa kong jeepney thesis. May iba't-ibang uri ng pasahero. Alin ka kaya sa mga eto:

•Open SesaMEN
These are men na naka open-legs kung umupo. Kahit gitgitan na ay deadma lang sila. I wonder how much space do they need for those ba? hahaha.

•Gooey Lovers
Not that I am jealous or envious of them ha. It's awkward to see lovers with oozing sweetness in a public vehicle as if they are in a private room lang. Kung may bitbit lang ako na sinturon, nakatikim na kayo ng tig iisang palo. Super eye-sore kayo. Well, this is on a personal level naman.

•Sleepy Sam
Eto ang mga pasahero na ipinagpapatuloy ang kanilang panaginip sa loob ng jeepney. Nakakatawang tingnan minsan habang binibilang mo kung ilang beses mahuhulog ang ulo nya. Parang knockout count sa loob ng boxing ring. hehe

•Manyakis
Eto naman ang super ayaw ko na makasabay o makatabi. Yung tipong halos huhubaran ka ng kanilang mga mata. Hello? Kuya? Mahuhulog na mga mata mo oh! O baka gusto mong makatikim ng sundot sa mata! So a piece of advice to girls, wear comfortable clothes that would spare your skin some respect. ;)

•Mr/Ms Congeniality
Makwentong passengers. May times na nakakaaliw at may times na nakaka bwisit. Specially those conversationalist na hindi nakakahalata na ayaw mong makipag usap. Naalala ko tuloy si Mr. Pet Lover na ikinuwento sa akin ang life story ng kanyang mga alagang baboy.

•Head to Foot
Eto yung nakaka self-conscious na pasahero. Na parang may dumi ka sa mukha o something na mali sayo. At pansin mo na tinititigan ka nila from kuko to split ends.

•Loud Speaker
Passengers na nakikipag compete sa loud speaker ng jeep. Kung mag usap sila eh dinig ng lahat. Eto ang mga panahong I wish my headphones ako.

2 comments:

sheeneevee said...

wahahaha...i love the name open sesamen :)) karelate ko ani kay :))

sheeneevee said...

ignan nako sila mario basa sa imong blog :))

 
;