sya ay naghihintay
tulad ng dati
tulad ngayon
sya ang katuwang nya sa tuwa
ang sumpungan ng mga lihim
ang kanyang isang-pitik na takas
ang kanyang kaligtasan
ang sumpungan ng mga lihim
ang kanyang isang-pitik na takas
ang kanyang kaligtasan
sya ang tila alkansya ng mga himugto
ng mga agiw at kalawang
ng mga lumilipas na oras
gaano ka na ba napapagod?
at sa masasayang araw na kasama ka nya
ang mga ngiti ay hindi para sa'yo
hindi dahil sa'yo
gaano na ba kasakit?
walang humpay na parusa
di nya nakikita na napapagod ka na
at dahil kailangan ka nya, babawiin ka sa sulok
na parang basura na ire-recycle
at magkaganun pa man, iniintindi mo
dahil alam mo ang lugar mo sa mundo nya
ako ba ay natagalan?
ako ba ay naging madamot?
sa pagkakataong ito,
andito na ako
andito para sa'yo
...sa wakas
para sa bisekleta ko na kinalawang na. at dahil madami na akong pinagkaka-abalahan, di ko man lang malinis-linis. sumasagi lang sa isip ko kung gagamitin ko, kung kailangan ko
0 comments:
Post a Comment